'Tony Boy' scolds media on jueteng issue

Posted at Sep 24 2010 10:31 PM | Updated as of Sep 25 2010 08:54 AM

Dumalo ang pinsan ng Pangulo at negosyanteng si Tony Boy Cojuangco sa Economic Conference sa Citigroup Center sa Manhattan bilang bahagi ng business delegation ng Pangulo. Dito siya tinanong ng media kung paano nadawit ang pangalan niya sa usapin ukol sa jueteng payola.

Sa isang Senate hearing, ibinunyag ni Archbishop Oscar Cruz na pinakiusapan siya ni Cojuanggo na magdahan-dahan sa mga alegasyong tumatanggap umano ng payola si DILG Undersecretary Rico Puno. Itinanggi ito ni Cojuangco.

"I did not say that. I expressed disbelief at the, I did not recognize most of the names no, the only names I recognized were that of Undersecretary Puno and General Verzosa. I expressed disbelief that their names were mentioned because I said they themselves told me they're out to stamp out jueteng.  So I said Bishop are you sure of this? Do you have evidence in coming up with this list? And he said wala akong hard evidence," pahayag ni Cojuangco.

Sabi pa ni Cojuangco, walang alam ang Pangulo sa pakikipag-usap niya kay Cruz. Gusto lang daw niyang tumulong sa administrasyon.

"It was my own ano, everybody has to help the government do its function and this is my way of helping.  I don't think the help we give the President should end with the campaign," dagdag pa ni Cojuangco.

Si Cojuangco, na pinuno ng Mantrade Development Corporation, ang nangungunang contributor sa kampanya ni Aquino. Nagbigay ito ng P100 milyon. Ayon sa kanya, halos 10 minuto lang nagtagal ang pag-uusap nila ni Cruz.

"Media should validate the list and if they say that it has no substance and there is no hard evidence, stop talking about the list,” galit na pahayag ng pinsan ng Pangulo.

Binuweltahan at sinermunan pa ni Cojuangco ang media sa pag-uulat nito sa jueteng isyu. Nang tanungnin kung nakausap na ni Cojuangco ang Pangulo, iginiit nitong wala namang rason para rito.

"Sir, have you since spoken to the President?"

"I've not spoken to the President at all because there's no reason I should talk to him if the list is unsubstantiated. That’s what I mean, even the journalists cannot report anything that’s not substantiated. That's it! That's all I have to say. I only spent 10 minutes there and this is longer than the 10 minutes that I spoke with the bishop," sabi ni Cojuangco.

Pero hindi pa rito natapos ang pagle-lecture ni Cojuangco sa dapat daw atupagin ng media.

"I'd like you to focus on the President's purpose in coming here which is to raise jobs for the Philippines. Stop talking about something which is nothing," pagtatapos ni Cojuangco.

Sabi ni Cojuangco nais lang niyang tumulong sa administrasyong Aquino pero maaari ring maging pabigat sa Pangulo ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa jueteng isyu. – Ging Reyes, Patrol ng Pilipino, New York

Agad namang nakunan ng reaksyon ng TV Patrol si retired Archbishop Cruz. Panayam ng TV Patrol:

Ted: Atin pong kuhanan ng panig si Archbishop Cruz. Archbishop, good evening po.

Cruz: Good evening po sa inyo.

Ted: Sa interview po ng media kay Ginoong Tony Boy Cojuangco sa New York, inamin niyo raw po na wala kayong ebidensiya para isangkot sina Usec. Puno at dating PNP Chief Versoza tungkol sa isyu po ng jueteng payola. Ito ho ba ay totoo Archbishop?

Cruz: Hindi po totoo iyan. Wala po siyang tinanong sa akin kung may ebidensiya ako o wala. Wala po siyang tinanong.

Ted: Ano ho ba talaga ang nangyari po noong kayo ho ay magkita ng pinsan po ng Pangulo noong September 15 sa CBCP, Bishop?

Cruz:  September 14 po iyon, nakita ko sa aking log book, alas nuwebe ng umaga, tumanggap po ang opisina ko. May gusto raw kumausap sa akin, si Mr. Tony Boy Cojuangco. Hindi ko pa siya nakikita ng personal, pero naririnig ko ang pangalan niya. Sabi ko sige mag-usap tayo. Dumating po siya may kasama siyang isang matanda, at 'yong matanda naiwan po sa labas ng aming opisina. Kami lang pong dalawa ni Mr. Cojuangco ang nag-usap at ang sabi niya sa akin, in so many words, ay to go easy on President Aquino, to go easy on him because it seems that I was saying words or thinking some things which were not actually in favor of him. So sabi ko sure. And in a demonstration of goodwill, sabi ko I’ll give you the first list that I have about those people who are receiving payola from jueteng. And the very very first copy of that list, I handed to him. He looked at it and that was it. And then we parted ways civilly and it was like that. Nothing more, nothing less.

Now what happened was this. So I told him, I’d give you this list before God in conscience, walang makakaalam nito, tayo lang tatlo. And we shook hands on that.

But all of a sudden, during the hearing there in the Senate, Mr. Jinggoy Estrada asked me ‘Is it true that you saw Mr. Tony Cojuangco?’ and I was under oath. And I said yes, I did. ‘What did you talk about?’ I already forgot what I said. But I never mentioned the list.

Then time came I told them I have a list and I would like to submit it during the executive session para iyong andun sa lista, hindi na makalabas, wala nang makaalam. The senators spoke to one another and they said no. The list must be read, must be given right there and then with the words that these are the alleged jueteng operators and payola recipient. It was the chairman of the Blue-Ribbon Committee, Senator Guingona, who read the list. That was it.

Ted: Archbishop, unang una po bakit malakas ang loob ni Ginoong Tony Boy Cojuangco na kayo po ay kaharapin tungkol po sa isyung ito? Kayo ho ba talaga ay close o dating magkaibigan?

Cruz: Hindi po. Hindi pa kami nagkita kahit minsan. iYon po lamang ang una naming pagkikita. Ang kilala ko po iyong nanay niya, si Mrs. Imelda Cojuangco, pero siya po naririnig ko lamang.

Ted: Ano ho ang dating sa inyo ni Ginoong Tony Boy Cojuangco, Archibishop? Ano ho ang impresiyon na nilikha ng pagpunta sa inyo ni Ginoong Cojuangco? Sa inyong opinyon Archbishop.

Cruz: Ok naman po, hindi naman ako nagtaka. Hindi naman ako nasaktan. At ang totoo nga, kung ako ba ay parang nag-alangan, bibigyan ko ba siya ng listahan? E that listahan was confidential. And cosequently, ang naisip ko lang, baka makatulong kay Presidente na malaman niya kung sinu-sinong tao iyong mga tumatanggap ng jueteng payola.

Ted: Pero noon pa ho napag-usapan ninyo ang tungkol sa ebidensiya na binabanggit po ni Ginoong Cojuangco.

Cruz: Wala po wala po. Wala pong ebidensiyang sinasabi. Kung ako ay may ebidensiya o wala, wala po siyang nabanggit na ganoon.

Ted: But do you agree sa sinabi po ni Ginoong Cojuangco sa panayam po ng ABS-CBN sa New York na hindi dapat agad itong inilalabas kung hindi substantiated ang listahan?

Cruz: ‘Yon pong ibinigay ko sa kanya, para lang sa kanya ‘yon. At ‘yon pong binigay ko sa Senado, para sana sa executive session, pero iyon nga po sabi ko kanina, sabi nila mabuti na raw na ilabas, sabihin. So sige, bahala kayo, ilabas niyo at binasa nga po doon.

Ted: But do you agree na wala pa hong ano mang concrete evidence sa likod po ng listahan na ito?

Cruz: Ang ebidensiya po tungkol sa mga jueteng payola at mga jueteng lord are all first-hand witnesses. Mata, mata, mata. Wala po iyang paper trail, walang resibo, walang voucher. Basta ‘yon lang pong nakakakita ng diretso, iyon po ang mga witnesses diyan. At mayroon po kami niyan. Mayroon po kami ng mga witnesses na iyan na nasa labas, sa mga iba’t ibang diocese. Mayroon kaming mga witnesses na nasa loob, nasa NBI, nasa DILG at nasa PNP. Iyan po ang aming mga kasama, ito pong mga taong ito walang gusto kundi maituwid ang bagay na ito. Hindi po sila binabayaran kundi kusa po silang nagpriprisinta at tsinetsek po namin ang kanilang veracity. Kapag kami ay kuntento, iyong kanilang mga impormasyon na ibibigay sa amin, we evaluate them.

Ted: Did you say that Archibishop kay Ginoong Cojuangco na ang inyo pong listahan ay hango sa first-hand information ng inyo pong mga testigo?

Cruz: Hindi po. Pagkat wala naman po siyang sinabi sa akin ‘ito ba ay may ebidensiya o wala?’ And I don’t think it is Mr. Cojuangco’s, I’m sorry no, I don’t think it is Mr. Cojuangco’s so to say strength and expertise to ask for evidence. Those are legal matters. Those are for lawyers and judges etcetera etcetera. But I’m not saying he does a bit know the rule of evidence, I’m just saying in that particular moment no evidence was even mentioned during our conversation of about 10 minutes.

Ted: Sa huling punto po Archbishop, mayroon ho bang binanngit si Ginoong Cojuangco tungkol sa kanyang pinsan na si Pangulong Noynoy Aquino?

Cruz: Ang sabi lang po niya, in general sana hinay hinay ako etcetera, etcetera. Sabi ko naman po, gusto kong magtagumpay ang Presidente. ‘Ka’ko as a demonstration of a good will, here is the list. You’re the first one who will have this. Keep it there.

Ted: Archbishop Oscar Cruz, thank you for your time Sir. Good evening and good luck.

Cruz: Good evening po. God bless po. Bye bye po.