Japan nuke radiation has reached Philippines: scientists

Posted at Mar 29 2011 09:34 PM | Updated as of Feb 13 2017 02:01 PM

Watch more on iWantTFC

Nagpatawag ng emergency meeting noong Martes ang ilang opisyal ng pamahalaan matapos kumpirmahin ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na nakaabot na sa bansa ang radiation mula sa Daiichi nuclear power plant sa Japan.

Ayon sa PNRI, nasa 100 hanggang 115 nano-sieverts per hour ang radiation sa bansa.

Giit naman ng mga eksperto: walang dapat ikatakot. Nasa normal na level na daw ito at walang peligro sa kalusugan.

Nauna nang sinabi ng PNRi na hindi makakarating ang radioactive particles sa Pilipinas, dahil sa pa-silangan ang direksyon ng hangin.

"Papunta sa east pero siyempre, umiikot ang mundo. Gumagalaw ang hangin... around the Earth is interconnected," sabi ni Dr. Corazon Bernido ng PNRI.

Ayon pa sa PNRI, walang ring dapat ikabahala ang mga may balak mag-swimming sa dagat ngayong summer.

"Normal levels lang, eh," ani Bernido.

Pagdating naman sa pagkain, nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na walang food ban sa mahigit 20 importers ng noodles, food snacks at tea na galing Japan.

Ani Dr. Suzette Lazo, director ng FDA, "Aside from our baseline sampling, sampling also from incoming shipments. So far, the results are normal."

Naniniwala ang PNRI na nabawasan na ang banta ng radiation dahil bumaba na rin ang radioactivity level sa Japan. Zyann Ambrosio, Patrol ng Pilipino