Aleli Arroyo says she knows Iggy's last wishes

Posted at Jan 30 2012 10:04 PM | Updated as of Jan 31 2012 06:24 AM

Si Alicia o Aleli Morales ay 26 taong gulang nang siya ay simulang ligawan ni Iggy Arroyo na noo'y nakipaghiwalay sa unang asawang si Marilyn Jacinto. Ikinasal sina Aleli at Iggy noong siya'y 32 anyos.

Siya'y anak ng isang kilalang mataas na opisyal sa bangko, nag-aral sa ibang bansa at kumuha ng masteral degree sa Amerika.

Ayon sa kanya, napahirapan din niya si Iggy sa panliligaw nito noon dahil seryoso siya sa kanyang pakikipagrelasyon.

“After six years, he chased me around the world. He got an annulment after two years. If you have debts with your previous marriage, settle it. Even if it’s not your debt, settle it. I really took the marriage vow seriously,” sabi ni Aleli Arroyo.

Sila ay nagkaroon ng isang anak na babae—si Alelu.

“I want to have a simple wake for him, and I hope the family understands. Gusto ko lang talagang maiuwi siya sa anak ko,” aniya. “How am I going to give her this news? Hindi namin alam kung life support ba o hindi.”

Ayon kay Aleli, kailanman ay hindi inaamin sa kanya ng kanyang asawa na mayroong isang Grace Ibuna.

At nang magkahiwalay na nga sila, napunta na raw sa kapariwaraan at bisyo ang dating asawa na tinawag nitong isang mabait na tao.

Nagsimula na raw itong mag-absent sa Kongreso at kahit na noon ay maysakit na, ay nagsimula ang bisyo ng paninigarilyo.

“Mahirap mag-judge, pero at least masasabi mong nag-iba na [si Iggy nang makasama si Grace Ibuna],” sabi ni Aleli.

Ayon kay Aleli ay maysakit na rin si Iggy nang sila'y magkasama at inalagaan din niya ito. Ngunit noon daw ay pagaling na rin sana ito sa kanyang pagkakaalam.

Nagulat siya nang malamang nasa London na pala ang asawa at lumubha na ang kalagayan.

Marami rin daw siyang naririnig na hindi maganda sa impluwensiya at epekto ni Grace sa buhay ng kanyang mister.

“We should stop celebrating adultery and glorifying homewreckers,” aniya.

Paliwanag ni Aleli na akala ng marami na ngayon lang siya naghahabol. Ngunit para sa kanya, malinaw na siya ang kinikilala ng mga pamilya at ng batas na legal na may karapatan sa labi ng kanyang asawa.

Tumawag daw ang mga kapatid ni Iggy sa kanya at sa kanya na pinagagawa ang desisyon tungkol sa katawan ng asawa.

“Pag ikaw ang legal wife, you don’t have to do anything. The law will protect you,” sabi ni Aleli.

Ayon kay Grace Ibuna sa London ay ang anak na lang ni Iggy na si Bianca ang makapagsasabi ng mga habilin ng ama.

Ngunit sabi ni Aleli, may binilin din daw si Iggy sa kanya noon.

“Hiniling ni Marilou kung puwede daw ba siyang dalhin sa Negros. Alam ko, gusto niya iyon,” sabi ni Aleli.

Nilinaw ni Atty. Lorna Kapunan na ang galit nila kay Grace Ibuna ay nang pumirma ito sa London
Clinic bilang next of kin ni Arroyo at malamang daw na siyang nagpahintulot na hugutin ang life support system nito.

“Why did she have to do that? She misrepresented herself as the common-law wife, Mrs. Grace Arroyo,” ani Kapunan.

Sabi naman ni Kapunan ay ipagpapaliban muna nila ang kanilang aksyong legal laban kay Ibuna at pararaanin muna niya ang pagbalik at pagpalibing sa asawa ng
kliyente.

“Sabi ng pari, 'di ka dapat magalit sa tao, ipagdasal mo na lang at magalit ka sa sin,” sabi ni Aleli.