Miriam: No girlfriend? PNoy can have his ‘sexy car’

Posted at Jan 17 2011 09:24 PM | Updated as of Jan 18 2011 05:24 AM

Walang mali sa pagbili ng mamahaling sasakyan ni Pangulong [Benigno] Noynoy Aquino III.

Ito ang inihayag ngayon ni Senador Miriam Defensor Santiago.

Ayon kay Santiago, ang importante ay binili ito ng pangulo at hindi iniregalo sa kanya ng sinumang posibleng humingi ng kapalit.

Inihalintulad pa ng senadora sa pagkakaroon ng girlfriend ang pagbili ng pangulo ng mamahaling sasakyan.

"It's like buying an expensive girlfriend. That's no business of the public if you want a trophy girlfriend for example or a trophy wife… So I imagine if you are a president and there is no girlfriend to share your life with. You can have a sexy car.

"What am I saying?" sabi ni Santiago kasabay ng pagtawa. "No, what I am saying is you can channel your sexual energies in the company of a car." TV Patrol