Dog slaughter caught on photos

Posted at Nov 16 2010 10:41 PM | Updated as of Apr 09 2018 02:57 PM

Watch also in iWantTFC

Isang lalaking tuwang-tuwang nag-pose sa camera habang bitbit ang ulo ng kinatay na aso. Inambahan pa ng kutsilyo ang katawan ng aso. Ipinakita rin ang pagkatay sa isa pang aso hanggang tuluyan itong inihaw, para kainin.

Ang mga larawang ito ang ipinadala sa Animal Welfare Coalition (AWC) ng kaibigan mismo ng umano'y mga lalaking kumatay sa mga aso.

At para mabigyan ng babala ang publiko, ipinarating ito ng AWC sa Bayan Mo, iPatrol Mo.

“It is our duty to inform the public that it should not be done. Isa siyang criminal act, ipinost pa nila sa social network page, iyan ay public na. Iyong pictures nila, they were mocking the law. They were not just mocking the animals. They were taunting the law,” sabi ni Ramona Consunji, external affairs coordinator ng AWC.

Ayon sa AWC, bukod sa paglabag sa batas, nanganganib din ang mga lalaking ito sa rabies. Sakali kasing may rabies ang kanilang kinatay at natalsikan sila sa mata o bibig ng laway ng aso ay maaari silang magkaroon ng rabies.

Ayon pa sa AWC, pinapayagan lang ang pagpatay sa aso kung ito’y may malubha nang karamdaman, o di kaya naman ay wild na, o nagdudulot na ng panganib sa komunidad. Pero otorisado lamang ang pinapayagang gumawa nito.

Tiniyak naman ng AWC na di nila papalampasin ang pangyayaring ito at mananagot sa batas ang may kasalanan.

Maaari ring isumbong sa kanila ang anumang makikitang pagmamalupit o pagkatay sa mga hayop.

Sol Aragones, Patrol ng Pilipino