'Shock artist' a no-show at Senate hearing

Posted at Aug 16 2011 09:51 PM | Updated as of Aug 17 2011 10:29 AM

Sa isang panig, ang mga kumokondena sa obrang pambabastos umano sa mga simbolong Kristyano.

"The picture of Jesus is not just any picture. It is the picture of God. Nothing like that should be repeated again,” sabi ni Most Rev. Jose Palma, president ng CBCP.

Sa kabilang panig, ang nagtatanggol sa kontrobersyal na obra.

“I recognized this style as being of the genre that is shock art. I did not take it as a comment against religion. I took it as his comment to society, about how society has treated the things we idolize,” sabi ni Emily Abrera, chairman ng CCP.

Pero para sa alagad ng sining na si F. Sionil Jose, hindi ito matatawag na art.

“These pictures illustrate that the artist is immature and juvenile in his attempt to express his views,” sabi ni Jose, National Artist for Literature.

Sa kabila nito, protektado umano ng Saligang Batas ang obra ni Mideo Cruz.

“The art piece in question is free speech and, therefore, entitled to the protection of Freedom of Speech clause,” sabi ni Raul Pangalangan, dating dean ng UP College of Law.

Muling pinagbibitiw ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang board ng CCP dahil sa pagtatanghal ng Poleteismo.

Pero, nanindigan si Abrera.

“When I said ‘no,’ I meant it in all modesty, in all humility. I recognize my responsibility in this case,” sabi ni Abrera.

Hindi na masusundan ang hearing kanina, at ayon pa kay Education, Arts and Culture Committee Chairman Edgardo Angara, hindi naman kailangan ng bagong batas bilang tugon sa kontrobersya.

Dapat lang daw repasuhin ng CCP ang mga polisiya nito sa pagpili ng mga itatanghal na obra na ipinangako namang gagawin ng ahensya. Ryan Chua, Patrol ng Pilipino