ABS-CBN to launch DTV Digibox

Posted at Apr 04 2011 11:10 PM | Updated as of Feb 16 2017 03:38 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Madalas bang malabo o hindi kaya'y halos wala na talagang mapanood ang nakikita sa inyong TV?

Ito ang problemang isinaalang-alang ng ABS-CBN para sa bago nitong proyekto—ang Digital TV.

Sa pamamagitan ng DTV Digibox, mapapanood nang singlinaw ng DVD ang mga digital signal ng ABS-CBN Channel 2, Studio 23, Gem, at NBN. Dagdag pa rito, ang limang libreng digital channels na ilulunsad ng ABS-CBN. Tatlo rito ay pambata, isang pang-nanay at isang para naman sa mga tatay.
   
Ayon sa Head of DTV Marketing ng ABS-CBN na si Miguel Mercado, ang digital TV na nga ang sagot sa problema ng marami sa malabong signal.

"Minsan makakakuha sila ng isang channel, paglipat nila kailangan pang mag-adjust. So ginagawa nila, isang channel na lang pinapanood nila. Dito sa digital, 'pag makuha mo yung channel na makukuha mo lahat ng channel na digital clear. 'Yun ang advantage nito," ani Mercado.

Mabibili ang DTV Digibox sa halaga lang ng isang murang DVD player.

Walang monthly fee para sa limang digital channels, at oras na mag-broadcast na rin ng digital ang iba pang mga network, pasok na rin sa DTV Digibox ang mala-DVD sa liwanag na signal.

Sa taong ito, ilulunsad ng ABS-CBN ang Digital TV sa Luzon, at ikakalat sa iba't-ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na taon.

Hinihintay na lang ng ABS-CBN DTV operations ang hudyat ng National Telecommunications Commission para makapag-broadcast. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino