Eco-kwento: Chairs, flower pots made of plastic bags

Posted at Mar 28 2012 04:20 PM | Updated as of Sep 10 2019 01:32 PM

Watch also in iWantTFC

Kalat doon, kalat dito – ‘yan na ang di magandang ugali na nakagawian natin. Pero alam niyo ba na ang mga basurang gaya ng plastic na tinatapon natin ay may malaki pang pakinabang?

Sa pinag-ibayong pag-aaral at pag-eksperimento ng Department of Science and Technology, marami pang magagawa sa mga basurang plastic.

Kung noon mga catwalks or paving blocks lang ang nabubuo mula sa tinunaw at nilutong plastic, ngayon ay pwede nang bumuo ng iba pang bagay tulad ng lamesa, upuan at flower pot.

“We can convert this waste plastic bag into useful products na pwede pang i-market ng LGU (local government unit). Pwede pa silang kumita,” sabi ni Dr. Celi Monsada, isang supervising research specialist.

Ang mga used cooking oil naman na nakokolekta sa bahay-bahay at sa ilang restaurant ang ginagamit na binding chemical sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.

Noong 2011, 16% ng basura sa Metro Manila ay plastic. Umaabot mula 10 hanggang 100 taon bago ma-decompose o matunaw ang plastic, kaya laking tulong kung ito ay mare-recycle.

Kung sa isang piraso ng flower pot ay kakailanganin ang mahigit dalawang kilong plastic, siguradong sa simpleng paraang ito, makakabawas tayo sa tone-toneladang basura na naiipon taun-taon.

“Bakit nga ba nakakalat ‘yan? Isa is maling pagtapon. Hindi talaga proper disposal. And then, isa pa, hindi nabebenta ito. Hindi nabebenta sa junk shops. Kaya ayan, pakalat-kalat siya,” sabi ni Monsada.

Malaking tulong ang pagre-recycle na ito ng mga basurang plastic dahil nakatulong ka na sa kapaligiran, kumikita pa rin ang ating mga kapamilya. – Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Umagang Kay Ganda, March 28, 2012