PatrolPH

Tips para maiwasan ang pananakit ng tiyan ngayong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2020 12:21 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA - Pinaalalahanan ng isang doktor ang mga Pilipino na hinay-hinya lamang sa pagkain ngayong Pasko at sa darating na Bagong Taon upang makaiwas sa mga sakit lalo na ngayong pandemiya.

Ayon kay dating Department of Health Secretary Esperanza Cabral, dapat limitahan ang pagkain ng matatamis, matataba at maaalat na pagkain.

Tips para maiwasan ang pananakit ng tiyan ngayong Pasko 1
Isang mamimili ang tumitingin ng mga bilog na prutas sa Balintawak market, Disyembre 24, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

"Mag-ingat pa rin at huwag masyadong madami 'yung matataba, 'yung matatamis para wag lumala ang diabetes at sakit sa puso. Kung wala naman ay para hindi tayo magkaroon," sabi niya sa isang panayam sa TeleRadyo.

"Pag masyadong malaalat ang kakainin natin tulad ng hamon, medyo tataas ang ating blood pressure," aniya.

Nagpaalala rin ang doktor na wag kalimutan na panatiliin ang social distancing at madalas na paghuhugas ng kamay sa gitna ng mga salu-salo dahil patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

"Hindi komo Pasko ay nawala na ang pandemiya. Nandiyan pa din siya kaya kailangan mag ingat lagi tayo," sabi ni Cabral.

"Importante na sa susunod na pasko ay nandiyan pa rin tayo at nagse-celebrate ng pasko at hindi death anniversary," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.