PatrolPH

Hybrid ng jeep, tricycle likha ng welder mula Laguna

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2022 12:04 PM

Watch more on iWantTFC

Lumikha ang isang welder mula Cabuyao, Laguna ng sasakyang mistulang hybrid ng jeepney at tricycle.

Sa panayam ngayong Linggo ng Teleradyo, sinabi ni Erik Mahinay na dinisenyo niya ang binansagang "jeepcycle" bilang pang-akit ng mas maraming pasahero.

"Mahina rin talaga 'yong hanapbuhay sa ganito (pagpasada), kailangan ding dumiskarte," ani Mahinay.

Ayon kay Mahinay, tricycle pa rin talaga ang "jeepcycle" at ginawa lang mala-jeep ang disenyo ng sidecar at harapan.

Tumatakbi ito sa 3 gulong at kayang magsakay ng 6 na pasahero.

Madalas aniyang ginagamit ng mga taga-Cabuyao ang "jeepcycle" bilang service para sa mga pamilya at estudyante.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.