PatrolPH

ALAMIN: Ligtas ba ang pagpapahilot mo?

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2022 11:25 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Isa ang pagpapahilot sa mga option ng mga Pinoy tuwing may iniindang sakit sa katawan, tulad na lamang ng pilay.

"Ang pilay, halimbawa natapilok tayo, na-injury tayo, ang ginawa ng manghihilot niyan, ina-align po 'yung napunit na ligament at ibalik siya sa alignment kasama 'yung buto na disaligned," paliwanag ni Jonathan Dollosa Fernando, pangulo ng Traditional Hilot Society Inc., sa TeleRadyo ngayong Sabado.

Dagdag niya, kailangan rin minsan ang hilot para magkaroon ng magandang daloy ng dugo sa katawan.

Pero paano nga ba makatitiyak na ligtas ang pagpapahilot?

"Alamin po natin ang mga clinic na accredited po sa ating ahensiya... para magkaroon po tayo ng safety," paalala ni Fernando.

Ani Fernando, mayroon din silang training centers para i-introduce ang traditional hilot sa mga barangay.

Itinutulak ng grupo ni Fernando sa Department of Health na maging legal, academic, at propesyunal ang traditional hilot sa bansa.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng paggawa ng curriculum na angkop sa turo sa mga paaralan.

—TeleRadyo, Dec. 3, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.