Home > Life Christmas display at bazaar sa Navotas, patok sa mga bisita ABS-CBN News Posted at Nov 30 2022 09:10 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA -- Muling nagliwanag ang lungsod ng Navotas simula nang pailawan ang kanilang giant Christmas tree sa Navotas Citywalk. Meron din silang malaking Santa Claus at reindeer. Nakadagdag kasiyahan pa ang kanilang Christmas bazaar kung saan tampok ang 36 stalls na sinusulong ang mga produktong Navoteño. Isa na dito ang pinagmamalaking patis, bagoong, at suka ng pamilyang Reyes ng Barangay Daanghari. Magandang oportunidad rin ang bazaar para sa estudyanteng nag-aral ng baking sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mapakinabangan ang kanilang mga natutunan. Binibihisan din at pinalibutan ng iba’t ibang pailaw at dekorasyon ang mga barangay hall sa lugar. Bukas ang Christmas bazaar na ito araw-araw hanggang December 23 mula 5 p.m. hanggang 12 a.m. Kaya iniimbitahan ng lungsod ang lahat para makisaya sa pagdiriwang nila ng Pasko. --TeleRadyo, 30 November 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Navotas, Christmas, Christmas 2022, Pasko, Pasko 2022, Tagalog news, TeleRadyo Read More: Navotas Navotas City Navotas Citywalk Christmas bazaar Christmas display Christmas Christmas 2022 Pasko Pasko 2022 Tagalog news TeleRadyo