SILIPIN: 'Best place to selfie' sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2017 01:04 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ngayong papalapit ang Pasko, may kaniya-kaniyang gimik na ang mga pasyalan para makaakit ng mas marami pang bisita.

Sa Resorts World Manila sa Pasay, inumpisahan na ang "Grand Fiesta'" celebration kung saan sinindihan ang Christmas tree na may taas na 30 feet.

Highlight ng selebrasyon ang pagbubukas sa publiko ng tinaguriang "best place to selfie" na "Walkway of Lights" kung saan 100,000 multi-colored LED lights ang sinindihan sa paligid ng tulay na nagdudugtong sa mall at sa isa pang hotel.

Nagpa-Patrol, Winnie Cordero. TV Patrol, Huwebes, 23 Nobyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.