Lalaking gumamit ng kawayan bilang 'artificial leg,' nabigyan na ng prosthetic leg

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 11:48 PM | Updated as of Oct 21 2019 07:12 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Natupad na ang pangarap ni Darius Senillo na magkaroon ng artificial leg para makapagtrabaho at makatulong sa kaniyang kapatid.

Nauna nang nag-viral sa social media ang larawan ni Darius na gamit ang isang kawayan bilang kaniyang "artificial leg."

Sa tulong ng "Rated K," nagkaroon na ng prosthetic leg si Darius, at naipatingin na rin sa mga espesyalista ang kaniyang kondisyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.