Home > Life 'Tao Po:" Maglalako nakatodo postura habang nagbebenta ABS-CBN News Posted at Oct 03 2023 12:04 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Todo postura kung magbenta ang 25 taon gulang na si Michael Osorio, Jr. o MJ. 15 taon gulang siya nang simulan niya ang ganitong istilo ng paglalako. Kwento niya, "'Pag nakita po nila suot ko po, maraming customers ang bumibili sa akin." Lagpas dalawang kilometro ang matiyagang nilalakad ni MJ araw-araw, maubos lang ang kanyang paninda. Ginagawa nya ito para makatulong sa hirap na sitwasyon ng kanyang pamilya. "Kahit Grade 3 lang ang natapos ko, tutulong ako sa magulang ko. Sa lahat diyan tulungan niyo ang magulang niyo, huwag 'yung tambay-tambay," ani MJ. Ulat ni Kabayan Noli De Castro para sa programang Tao Po. (October 1, 2023) Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tao Po, Current Affairs, Tagalog news Read More: Tao Po Current Affairs Tagalog news