PatrolPH

'My Puhunan: Kaya Mo!': Delivery boy noon, pares at mami business owner na ngayon!

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2023 01:08 AM

Watch more on iWantTFC

Boss na ng kaniyang negosyo ang isang dating delivery boy na si Emmanuel "Eman" Ramos.

Kasagsagan noong pandemya nang magsimulang magbenta ng pares si Eman gamit ang ayudang natanggap sa pamahalaan.

"Nasa P5,000. Ang ginawa ko po nu'n 'yung P2,000 po doon tinabi ko para safety net 'yung P3,000 po pinaikot ko po. Nag-online business po ako ng pares na sa Facebook ko lang po binebenta," kuwento niya kay Karen Davila para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!".

Pinag-aralang mabuti ni Eman kung paano lulutuin ng maayos ang karne ng baka para sa produkto niyang pares.

Kalaunan, kumuha rin siya ng food cart at side car para personal na makapagbenta na pinag-ipunan niya ng apat na buwan.

Taong 2022 lang nang sumugal na siyang magrenta ng puwesto sa Novaliches, Quezon City.

Ma-inspire sa determinasyon ni Eman na magsumikap sa pagnenegosyo para matustusan rin ang pangangailangan ng bunsong anak na may naiibang kondisyon dito lang sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

RELATED LINK:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.