KBYN: Babae sa Davao Occidental, ilang oras gumagapang para makapaglaba sa ilog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Babae sa Davao Occidental, ilang oras gumagapang para makapaglaba sa ilog

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2022 01:52 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isinilang na walang kakayahang makapaglakad ang 25 taong gulang na si Corazon Inantay o mas kilala ng nakararami sa tawag na 'Paki,' miyembro ng B'laan tribe sa Davao Occidental.

"Sa aming magkakapatid, ako lang ang may ganitong kondisyon. Sa sitwasyon ko, ito (upper body) lang malakas pero ito (lower body), mahina," pagdedetalye ni Paki sa KBYN sa salitang B'laan na isinalin sa Tagalog.

Sa pagbisita ng KBYN sa kanilang lugar, ibinahagi niya na halos anim na oras ang binubuno niya sa paggapang mag-isa papunta at pabalig sa kanilang tahanan para lamang makapaglaba at makaligo.

Nagviral sa social media ang video ni Paki na gumagapang at maraming mga netizens ang naawa sa kaniyang kondisyon at nais mag-abot ng tulong.

"Marami raw humahanap sa Facebook dahil sa kapansanan ko. Maraming naawa sa akin. Hindi ko alam, hindi ko naman kilala ‘yung mga taong humahanap sa akin," ani Paki.

Paminsan-minsa'y nanunuluyan si Paki sa isang tahanan sa baba ng kanilang lugar para madaling maabot ng mga kababayang nais siyang tulungan at para na rin maturuan siyang makapagbasa, makapagbilang at makapagsulat.

Minsan na rin siyang dinala sa isang espesyalista para masuri kung may pag-asa pa nga ba siyang makapaglakad.

"Sabi ng doktor sa akin, punta ako ng Davao, doon ipacheck 'yung paa ko. Pagdating ko roon, putulin lang daw para makalakad. Sabi ko, ayaw ko. Mas gusto kong manatiling ganiyan kaysa putulin. Kasi kung putulin, dugtungan ng artificial na paa pero ayaw ko," kuwento ni Paki.

Tuloy-tuloy ang natatanggap na biyaya ni Paki.
Tuloy-tuloy ang natatanggap na biyaya ni Paki.
ADVERTISEMENT
Ayon sa isang kabayan nating tumulong sa kaniya, hindi raw siya nakasasawang abutan.

"Ang sarap po tulungan si Corazon kasi ho magaan ang loob ng mga tao sa kaniya. Laging nakangiti, masaya, masipag at mapagmahal sa kapwa," kuwento ni Nelfa Inantay, isang ka-baranggay ni Paki.

Nag-abot ng mga regalo ang KBYN sa kaniya gaya ng mga gamit para sa kaniyang tuloy-tuloy na pag-aaral, bigas, groceries at cash assistance mula kay Kabayan Noli de Castro.

"Ang mensahe ko sa mga lumpo, sa mga bingi, sa mga hindi nakakakita. Huwag kayong mag-alala. Nandiyan ang Panginoon," payo ni Inantay sa mga kapwa niya PWD.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Gumagapang
B'laan tribe
Davao Occidental
Mindanao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT