PatrolPH

'Tao Po:' Bida ng 'Rama, Hari' na si Arman Ferrer, kilalanin

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2023 06:32 PM

Watch more on iWantTFC

Balik-entablado ang rock opera ballet “Rama, Hari”. Binuo ito ng limang national artist.

Bibida sa dula bilang “Rama” si Arman Ferrer na isa sa pinakasikat na singer at theater performer sa Pilipinas ngayon. 

Dream come true para kay Arman ang bumida sa mga stage play katulad nito. Regular na parte na rin ng araw niya ang pagre-rehearse.

Kwento niya, "Araw-araw, I do my warm up first sa boses, ofcourse paggising na pagising ko I’ll check kung may boses ako o wala kasi usually, lalo na ber months so rehearsals, rehearsals, rehearsals, performance after performances so I would do, vocal warm up.And then I go to the gym like everyday because as theater artists or singers, we use our bodies so kailangan warmup siya, para ready to go and to avoid injuries" 

Sa kabila ng mga pagsubok sa entablado, masaya si Arman at ang mga artista sa pagkanta at pag-arte. Wala silang tigil sa pagpe-perform, hanggang sa unti-unting makilala,at magningning kasama ang ibang bituin.

"I dedicated most of my life perfecting what I have now and dapat nakikita din yung sacrifice effort and yun na nga cliche na naman, blood sweat and tears ng isang artist para makarating doon sa pwesto niya kasi walang artist na overnight" pagbabahagi ni Ferrer.

Dagdag pa nya "ako kasi naniniwala ako na kapag binigay sayo yung talent, it’s a big big responsibility so kailangan mo siyang gamitin,kailangan mo siyang i-share, kailangan mong i-inspire yung other people. I mean hindi man siya financially rewarding now but the enjoyment that you get, fulfillment that you get from your passion and your work is priceless."

- Ulat ni Jervis Manahan para sa programang Tao Po (September 17, 2023)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.