PatrolPH

PANOORIN: Microscope na sinlaki lang ng keychain

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2023 09:16 AM

Watch more on iWantTFC

Ito ang invention na nakakabilib: isang microscope na napakaliit at magaan na kaya mong dalhin na parang keychain. 

Ayon kay Jeremy De Leon, isang Manufacturing Engineering graduate ng Mapua University, inilalagay ang Make-roscope sa ibabaw ng front camera ng smartphone o tablet at kaya nitong palakasin ang magnification ng camera hanggang 400 beses.

Nanalo ang Make-roscope ng pinakamalaking premyo sa Philippine leg ng James Dyson Award mula sa 47 entries mula sa 12 unibersidad. 

Sa kanyang panayam sa TeleRadyo Serbisyo, ipinakita ni Jeremy kung paano ginagamit ang Make-roscope sa pagtingin sa isang langgam. 

P549 ang presyo ng key chain microscope kit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.