PatrolPH

Mga guro sa probinsya may pakulo sa pagbubukas ng klase

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2021 08:33 PM

Watch more on iWantTFC

Kanya-kanyang diskarte ang mga guro at paaralan sa mga probinsiya sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes. Sa Santa Fe, Leyte, nagpahiram ang isang eskuwelahan ng bisikleta na magagamit ng mga magulang sa pagkuha ng learning modules. Ang ibang guro naman, nilagyan ng retrato ang upuan ng kanilang mga estudyante lalo't walang face-to-face classes sa ngayon. Nagpa-Patrol, Sharon Evite. TV Patrol, Lunes, 13 Setyembre 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.