PatrolPH

PANOORIN: Guro, pulis todo hataw sa TikTok dance sa Brigada Eskwela

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2021 03:04 PM

Watch more on iWantTFC

Hataw sa sayawan ang mga guro at police trainees para sa Brigada Eskwela nitong Agosto 17 sa Tacloban City.

Pagkatapos maglinis at mag-ayos sa V&G de la Cruz Memorial School, naisipan ng mga guro ng paaralan at police trainees mula sa Tacloban City Police Station 1 na mag-TikTok dance.

Ayon sa guro ng paaralan na si Bayan Patroller Benilyn Abaigar-Dumdum, paraan nila ito para maipakita ang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Setyembre.

Nagpasalamat din ang kanilang principal na si Gresilda Berino sa mga tumulong para sa kanilang Brigada Eskwela, isang taunang event kung saan nililinis at nire-repair ang kailangang ayusin sa mga eskuwelahan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. 

— Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, i-Patrol Mo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.