Home > Life PANOORIN: Panghihikayat na magparehistro para sa Halalan 2022, idinaan sa Tiktok ABS-CBN News Posted at Aug 18 2021 04:37 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA — Idinaan sa Tiktok video ni Bayan Patroller Earwin Borras, 25, mula Novaliches, Quezon City, ang panghihikayat sa mga kabataan na magparehistro para sa darating na halalan. Kwento ni Borras, kinunan siya ng video ng kapatid niya at in-edit ito sa loob lang ng 10-15 minuto. Ginamit nila ang kantang “Love Kita Pinas” ng Kapamilya singer na si KZ Tandingan. “Naglakas loob po ako na gumawa at gamitin ang kantang “LOVE KITA PINAS” na nagpapakita ng pagsulong ng kabataan na maging bahagi ng sa darating na halalan at sa mga susunod pang mga taon,” saad ng parish worker ng Novaliches Cathedral. Aniya, ngayong taon ang ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa kaya’t nagbukas din ng paanyaya ang Diocese of Novaliches na “Limang Daang Pangako Para sa Bayan,” kung saan layunin na magkaroon ng 500 bagong magrerehistro sa kanilang lugar. Sa pamamagitan ng video na ginawa nina Borras, nais nilang makatulong sa mga kabataang maging botante kahit pa may pandemya. — Ulat ni Sarah Sales, Bayan Mo, I-Patrol Mo ALAMIN: Paano magparehistro para makaboto sa halalan? Panoorin kung paano magparehistro para sa darating na halalan sa video na ito: Watch more News on iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog News, BMPM, 2022 elections, Tiktok Read More: Tagalog News BMPM Halalan 2022 voters' registration elections 2022 2022 elections Tiktok