Home > Life 'Balitang K CA Throwback': Tinaguriang "comfort gay" noong digmaan kilalanin Sherwin Tinampay, ABS-CBN News Posted at Aug 04 2023 11:05 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Kung mayroong "comfort women," mayroon rin daw "comfort gay" noong panahon ng digmaan. Pinatutunayan ito ni Walter Dempster, na 74 taong gulang nang ma-interview noong 1996. "Ginagalang 'yung mga bakla noong araw. Nagbebestida kami, naglalakad sa kalye, walang nagbabastos sa amin. Alam sa amin mga babae kami. Hindi nila alam na mga bakla kami," kuwento niya sa ABS-CBN News noong 1996. Naging kasabayan rin nilang mga comfort gay ang mga comfort woman. Pero ayon sa isang comfort woman, hindi siya naniniwala na pumatol sa mga bading ang mga Hapon noon. "Siyempre ang mga Hapon 'pag nakita kang bakla eh 'di siyempre baka palayasin ka du'n eh mga babae ang kinukuha nila. 'Pag naligo kami hubo't hubad eh 'pag bakla ka eh 'di sinipa siya du'n o kaya ibinayneta," sabi ni Rosa Henson. Panoorin ang kabuuan ng kuwento ni Walter Dempster, maging ang iba pang mga ulat gaya ng isyu sa pandesal na cancerous umano, kaluluwang nanggagambala, at usapin ng mga estudyante sa University of the Philippines sa programang 'Balitang K' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong Hulyo 9, 1996. RELATED LINKS: How Dolphy's 'Comfort Gay' film made history at Brussels 'Comfort gay' Markova is now the subject of a new musical Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, Current Affairs, CA Throwback, Current Affairs Throwback, Korina Sanchez Read More: Tagalog news Current Affairs CA Throwback Current Affairs Throwback Comfort gay Korina Sanchez