PatrolPH

PANOORIN: 'Mobile graduation' ng Grade 6 students sa Surigao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2021 04:33 PM

Watch more on iWantTFC

"Mobile graduation" ang inilunsad para sa mga Grade 6 students ng Maligaya Elementary School sa Hinatuan, Surigao del Sur, kung saan nagha-house to house sa mga estudyante ang organizers ng nasabing year-end ceremony.

“Mobile graduation po ang ginawa namin kasi walang access sa internet ang kadalasan ng mga magulang at wala po silang gadget po. Magiging useless po ang virtual kasi hindi naman po makakapanood ang mga bata at mga magulang,” ani Bayan Patroller Raniel Iyana.

Kuwento ng adviser ng mga nagtapos, naganap ang graduation noong July 12. Buong araw ito dahil hinati ang graduates sa dalawang grupo - walo sa umaga, at walo rin sa hapon. 

Nagpapasalamat ang guro dahil suportado ng mga barangay official, school head at district supervisor ang kanilang mobile graduation. 

“Hindi po mababayaran ang saya namin nang makitang nakangiti ang mga magulang, lalong lalo na ang mga bata habang papaakyat sa aming mobile stage," aniya. 

"Parang ramdam pa rin nila ang graduation rites. At deserve po nilang lahat ito dahil sa kanilang pagpupursiging makatapos kahit sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng modular distance learning.”

—Ulat ni Kori Quintos, Bayan Mo, I-Patrol Mo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.