Sining pansimbahan mula pa sa ika-16 na siglo, tampok sa Museo de Intramuros

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 02:36 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Bukas na sa publiko ang Museo de Intramuros bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Intramuros Administration.

Lahat ng nandito sa museo ay mga ecclesiastical art o mga sining pansimbahan, mula pa sa 16th to 19th centuries sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa koleksiyon ang iba't ibang painting, wood at ivory carvings, at iba't ibang imahe ng Immaculate Concepcion at mga misyonero na nagbahagi ng Katolisismo sa bansa.

Libre pa ang pagbisita sa Museo de Intramuros hanggang Nobyembre at puwede ring magpa-schedule ng tour guide sa mga gustong bumisita.

Bukas ang museo ng Martes hanggang Linggo, alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. — Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.