PatrolPH

VIRAL: Pagsayaw ng SHS graduates sa Negros Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2022 05:35 PM

Watch more News on iWantTFC

Video mula kay Shaddai Lee Trigo Vidal.

Kinagigiliwan sa social media ang masayang pagtatapos ng mga senior high school students sa Jimalalud National High School sa bayan ng Jimalalud, Negros Oriental noong Huwebes.

Sabay-sabay na sumayaw ang mga estudyante at pagkatapos nito napahiyaw sa saya at inihagis nila ang kanilang mga graduation cap.

Ideya umano ito ng MAPEH teacher na si Jonilo Jainar para maging masigla, masaya at kakaiba ang pagtatapos ng mga estudyante.

Sa pagsusulat, umabot na sa mahigit 1.8 million views ang video.

—Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.