PatrolPH

KBYN: Mga rabbit inilalaban sa mga kompetisyon

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2022 09:31 PM

Watch more on iWantTFC

Inilalaban sa mga kompetisyon ng isang farm sa Bulacan ang iba't ibang breed ng rabbit.

Taong 2017 nang magsimulang sumali sa mga kompetisyon ang Sugar and Spice Rabbitry kung saan nakasungkit na sila ng panalo sa iba't ibang kategorya.

Matatagpuan sa kanilang farm ang samu't saring klase ng fancy rabbit na ang iba pa ay nanggaling sa ibang bansa.

"Usually ang mga bumibili dito is 'yung mga enthusiast, 'yung mga tao na gusto lang mag-alaga ng mga kakaibang pets or 'yung mga up sila sa challenge na gusto nilang manalo sa show," kuwento ni Rich Briones, ARBA Rabbit Registrar sa KBYN.

Nasa 700 ang bilang ng kanilang mga kuneho kasama na ang mga breeder.

Taong 2018 nang makumpleto ng farm ang 50 breed ng kuneho na kinikilala ng American Rabbit Breeders Association o ARBA. 

Ilan sa mga ito ang 'Dwarf Hotot' na kilala rin bilang “Eyes of the Fancy." Puting-puti ang balahibo at kapansin-pansin ang itim sa mga mata nito na tila may eyeliner. 

Ang 'English Angora' naman ay makapal ang balahibo na kailangan ng daily grooming.

Mayroon rin silang 'Netherland Dwarf' na isa sa mga malilit na size ng kuneho at popular din gawing pet. 

Matatagpuan rin ang 'Belgian Hare' na isa sa mga oldest rabbit breeds.

RELATED LINKS:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.