Tatay sa Pangasinan, nakapagpatapos ng mga anak sa pagtitinda ng fish ball

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 12:03 AM | Updated as of Jun 17 2019 07:55 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ipinagmamalaki ng mga anak ni Claro Verzosa ang kanilang amang nagtitinda ng fish ball.

Dahil sa kaniyang pagpupursige, napagtapos niya sa kolehiyo ang kaniyang apat na anak.

Dating sastre si Tatay Claro bago naging tindero ng fish ball. Tiniis niya ang 30 taon ng pagtitinda ng fish ball para sa kaniyang pamilya.

Ngayong Father's Day, nakatanggap ng sorpresa si Tatay Claro mula sa kaniyang mga anak.