VIRAL: Mala-fiestang pagsalubong sa inang galing grocery sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2021 06:33 PM | Updated as of Jun 11 2021 06:34 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — "Sabi kasi ni Mama salubungin siya..." 

Bonggang pagsalubong ang naisip gawin ni Bayan Patroller Marco Miguel Cantor mula sa Project 4, Quezon City para sa kanilang Mommy Pinkie na umuwi galing sa pamimili nitong Linggo. 

Gamit ang speaker at mala-fiestang tugtog, sinalubong nila ang nanay at kapatid na maraming bitbit na groceries. 

“Every week po kasi nag-go-grocery sila ng ate ko tapos po sa group chat namin lagi nagsasabi na nagbabayad na sa cashier tas pauwi na pakisalubong kasi nga madaming pinamili at magpapatulong magbuhat," aniya. 

Dagdag pa ni Marco, natuwa ang mga kapitbahay pati ang tricycle driver nang marinig ang ihinandang pagsalubong. 

“Masaya lang, nagtinginan mga kapitbahay. Natuwa naman kami kasi pati 'yung tricycle driver nakisayaw at 'di namin in-expect po.”

—Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, I-Patrol Mo 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.