Puerto Princesa Underground River, kasama sa hall of fame ng TripAdvisor

ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 12:42 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

PALAWAN—Sinama ang Puerto Princesa Underground River sa hall of fame ng travel review website na TripAdvisor.

Ayon kay Beth Maclang, superintendent ng Puerto Princesa Subterranean River Natural Park, iginawad sa kanila ang parangal dahil simula 2015, taon-taon silang nakatatanggap ng traveler's excellence award.

Paniwala ng pamunuan, malaki ang naging papel ng maayos na customer service ng kanilang opisina at patuloy na ecological conservation sa lugar para makuha ang award.

Magsisilbi umano itong paalala para mas pagbutihin pa nila ang kanilang trabaho at pangalagaan ang parke na pangunahing puntahan ng mga turista sa Puerto Princesa.—Ulat ni Diana Lat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.