KBYN: Pomeranians nakatulong sa kondisyon ng lalaking na-stroke
ABS-CBN News
Posted at May 28 2023 06:49 PM
Malaking bahagi na ng buhay ng mag-asawang David at Hazel Ching ang kanilang alagang pomeranians.
Nang ma-stroke si David anim na taon na ang nakararaan, ito ang nakatulong sa kaniya para unti-unting umayos ang kaniyang kondisyon.
"Sabi ng doctor bawal na ako sa field kasi 'pag naulit baka fatal 'yung mangyari kaya po sabi niya [ni Misis], doon ka na sa bahay tapos nu'n, sabi ko paano ang ikabubuhay ko, mayroon kaming alaga dati na isa lang, na kulay brown, sabi niya alagaan mo na lang 'yung dog mo cute naman 'yan eh," pagbabahagi niya kay Kabayan Noli de Castro.
Higit 30 pomeranians ang inaalagan ng pamilya Ching na nagsimula sa isang brown pomeranian.
Bukod sa pag-aalaga, nagbibreed rin sila ng mga ito na siyang nakatutulong sa pang-araw-araw nilang gastusin.
"Ngayon nagdadialysis naman po ako, sa kanila rin po ako nakakakuha ng pang-everyday na gastusin," ani David.
Sa sobrang pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang mga alaga, nakapuwesto mismo sa kanilang master's bedroom ang nursery at kennel ng mga ito para masiguro ang maayos nitong kondisyon.
Bukod pa rito, katabi rin ito sa kanilang pagtulog.
"'Yung iba nasa ulunan ko, 'yung iba nasa ulunan niya [ni Misis]," dagdag ni David.
Alamin kung paano dumami at naging kabuhayan ng pamilya Ching ang pag-aalaga at pagbibreed ng mga pomeranian dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.
RELATED LINK:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, KBYN, current affairs, Biñan, Laguna