PatrolPH

KBYN: Husay at talino ng mga makukulay na parrot sa paglipad

ABS-CBN News

Posted at May 28 2023 12:00 PM

Watch more on iWantTFC

Likas na matatalino ang mga parrot lalo na ang mga lahi ng macaw.

Ang isang grupo ng mga mahihilig sa parrot na Majestic Wings of the Philippines, hindi lamang simpleng trick ang itinuturo sa kanilang mga alaga.

Popular sa kanila ang pagtatrain ng 'free fly' kung saan malayang pinalilipad ang mga parrot ngunit kusang bumabalik sa amo gamit ang pito.

Ang isa sa mga miyembro ng grupo na si Amanda Freihofer, iba ang estilong ginagawa para mapabalik ang kaniyang parrot.

Gamit lamang ang kaniyang boses, isang tawag lang ni Amanda ay bumabalik na agad sa kaniya ang mga alagang blue and gold at hyacinth macaw.

"Bata pa lang po ako pet lover na po talaga ako kasi 'yung ano ko (kaniyang pamilya) may mga aso po kami," kuwento niya kay Kabayan Noli de Castro.

Personal na sinasanay ni Amanda sa free fly ang kaniyang mga alaga.

"'Pag ako nagtrain iba. Ayaw ko kasi 'yung hinahawakan ng iba kaya 'yung mga ibon ko kapag lumilipad minsan kapag nag-o-overshoot, pupunta sa puno pero hindi sa tao kasi train sila sa ganoon para iwas huli," pagdedetalye niya.

Tunghayan ang pagsasama-sama ng mga parrot lovers at ang naiibang estilo ni Amanda Freihofer sa pag-aalaga ng mga ito dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.