Babae sa Davao Oriental, ipinaglihi umano sa palaka?

ABS-CBN News

Posted at May 19 2019 10:57 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sa edad na 23 anyos, mistulang sanggol si Mary Rose Linaza dahil sa kaniyang kakaibang kondisyon.

Maikli ang mga braso at binti ni Mary Rose, at hindi rin siya nakakatayo o nakakalakad.

Paniwala ng ina ni Mary Rose, naging ganito ang kalagayan ng anak dahil nakahiligan niyang kumain ng palaka noong ipinagbubuntis niya ito.

Paliwanag naman ng mga doktor, osteogenesis imperfecta ang sakit ni Mary Rose. Hindi umano maayos na nabuo ang kaniyang mga buto, at mahina ang mga ito. Kaunting kilos lamang niya ay nagkakaroon na siya ng bali.

Bagama't walang lunas sa kondisyon ni Mary Rose, maari pa umano siyang maoperahan. Makakatulong rin ang mga gamot para mas maging matibay ang kaniyang mga buto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.