PANOORIN: Ano ang 'laughter yoga' at paano ito gawin?

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2021 02:08 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Kung nakakaramdam ng lungkot, pagkabalisa, at trauma ngayong pandemya, may ilang maaaring gawin para mapangalagaan ang mental health.

Isa rito ang laughter therapy, na ibinahagi ni Paolo Trinidad sa programang "Sakto" nitong Miyerkoles. Si Trinidad ang gumawa ng "Filipinized" version na maaaring gamitin ng mga Pinoy. 

Para magawa ito, siguruhing nakangiti ang bibig, labi, maging ang mga muscle sa paligid ng mata. Pagkatapos ng 20 segundo ng pagtawa, siguruhin na mag-deep breathing para maiwasan na mag-hyperventilate.

Dapat ding pagalawin ang diaphragm o sikmura, para dumaloy ang dugo sa katawan. 

Makakatulong ayon kay Trinidad ang tumingin sa salamin para mapabilis ang pagtawa. Puwede ring pagalawin ang kamay habang tumatawa, at tapikin ang puso. 

Kung gagawin ito kasama ang pamilya, mainam na magsuot ng face mask. 

-- Teleradyo, 28 Abril 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.