Rica Lazo tutok sa pamilya, pananampalataya sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 05:52 PM | Updated as of Apr 18 2019 06:19 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sa pamilya at pananampalataya nakatuon ang pansin ni DZMM anchor Rica Lazo ngayong Semana Santa.

Ayon kay Lazo, dahil bihirang magkaroon ng pahinga sa industriya ng pamamahayag, susulitin niya ang 3 araw na walang trabaho para makasama ang pamilya.

Bukod doon, nagsisilbi rin daw sila ng kaniyang pamilya sa simbahan.

"Nagre-recharge ako ng aking family time, sarili time, at saka nagse-serve kasi kami sa church," ani Lazo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.