Ariel Ureta 'kinukumusta ang sarili' pag Holy Week

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 05:46 PM | Updated as of Apr 18 2019 06:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ang Semana Santa ay isa sa mga panahon kada taon na tahimik ang paligid.

Kaya para sa DZMM host na si Ariel Ureta, sinasamantala niya ito upang makipag-usap sa sarili at alamin ang lagay ng kaniyang puso at isip.

"Usually pag mahal na araw o Holy Week, usually mag-isa ako eh. Kinakausap ko ang sarili ko," rebelasyon ni Ureta.

Aniya, maikukumpara ang Semana Santa sa Bagong Taon kung saan may pagkakataon ang bawat isa na suriin ang sarili.

"Parang January 1 na din. Pero kapag Semana Santa, ang tanong ko sa sarili ko: Kumusta naman ang buhay? Happy ka ba? Malungkot ka ba? Api ka ba?" sabi ng host.

Pero para hindi magmukhang nawawala na sa katinuan, imbes na bigkasin ang "usapan sa sarili" ay isinusulat lang niya ito na para bang nakikipagsulatan.

"Para di ka parang sira, ako sinusulat ko. Pag nakasulat makikita mo ang pros at cons at kung ano pa ang kailangan mong gawin. Things like that," aniya.

"Ang tawag ng iba don ay meditation o introspection para kang loko-loko kinakausap mo ang sarili mo," biro pa ni Ureta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.