PatrolPH

KILALANIN: 'Spider-Man' na namigay ng relief goods sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2020 12:16 PM

Watch more on iWantTFC

Good vibes ang hatid sa social media ang isang lalaking namahagi ng relief goods sa Victoria, Tarlac nang naka-Spider-Man costume ngayong umaaray ang ilan niyang kababayan sa enhanced community quarantine. 

Sa mga kuhang retrato ni Estefred Cordero Jr. makikita ang ngiti ng mga nakakuha ng relief goods sa kaniya noong nakaraang linggo. 

Ipinaliwanag din ni Cordero na nagsuot siya ng costume para mapangiti ang mga tatanggap ng relief packs. 

"Una po nag-usap kami ng kapatid ko tapos nag-suggest: Habang naglilibot tayo ba't 'di suotin 'yong costume para ma-good vibes 'yong mga makakakita sa [atin]," ani Cordero sa panayam sa DZMM. 

"'Pag makakatanggap sila ng relief goods makita si Spider-Man masayang masaya po sila. Nakita na po kami makarating nasisiyahan po sila," dagdag ni Cordero.

Umabot aniya sa punto na may mga nagtatakbuhan na mga bata papunta sa kaniya pero pinalalayo niya ito para masundan ang quarantine protocols sa Tarlac. 
 
Ito aniya ang ika-2 beses na sinuot niya ang costume, matapos umanong gamitin ito habang naggo-grocery sa bayan. 

"Favorite ko lang po talaga si Spider-Man," aniya. 

Ngayong viral siya sa social media aniya'y "overwhelmed" siya sa mga reaksiyon ng mga tao. 

-- DZMM, 16 Abril 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.