KILALANIN: Nurse 'love team' na sina Henry at Elinor, nagkita na

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2020 04:23 PM | Updated as of Apr 06 2020 05:31 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nag-viral kamakailan ang mga nurse sina Elinor Cabañero and Henry Cayabyab dahil sa kanilang magkahiwalay na post sa social media.

Sa kanyang panawagan na manatili ang mga tao sa bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, pabirong sinabi ni Elinor na balak pang mag-asawa ng mga frontliner na tulad niya pagkatapos ng pandemic.

Si Henry naman, nais daw makita si Elinor balang araw kaya hinihikayat niya ang mga tao na huwag nang lumabas ng kanilang tahanan kung hindi naman kailangan.

Parehong naka-mask sina Elinor at Henry sa kanilang mga post, kaya ang mga host ng "Magandang Buhay," inimbitahan sila sa isang video conference upang makita na ng dalawa ang mukha ng isa't isa.

Magandang Buhay, Abril 3, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.