PatrolPH

KBYN: Paa nagsisilbing kamay ng isang lalaki

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2023 12:37 AM | Updated as of Feb 26 2023 12:38 AM

Watch more on iWantTFC

Nagsisilbing mga kamay ng 25 taong gulang na si Amelito 'Totoy' Funtanilla ang kaniyang mga paa.

Pitong taong gulang siya nang malaman ng mga magulang na mayroon siyang cerebral palsy.

"Ang sabi ng doktor cerebral palsy pero 'yung katawan niya medyo naninigas pero normal 'yung isip," pagdedetalye ng kaniyang ina na si Myrna sa KBYN.

Sa kabila ng kaniyang kondisyon, nakapapasok siya sa eskuwela sa tulong ng kaniyang ina at kasalukuyang nasa Grade 9.

Hindi maiwasan na maging tampulan ng tukso si Totoy sa eskuwela dahil sa kaniyang kalagayan pero positibo pa rin ang tugon niya dito.

"Dapat po hindi mo na lang sila pansinin. Ngitian mo na lang sila," pagbabahagi niya.

Pagpipinta ang kaniyang nakahihiligang gawin lalo na't madalas lang siyang nasa bahay.

"'Pag nandito po ako sa bahay, painting. Ang ginagamit ng mga normal ginagawa ko din po. Ang gamit ko nga lang po ay paa," kuwento ni Totoy.

Dahil sa kaniyang positibong pananaw sa buhay, nag-abot ng tulong ang KBYN sa kaniya at nagkaroon pa ng pagkakataon na makausap ng personal ang idolo niyang sina Kabayan Noli de Castro at ang primetime king na si Coco Martin.

Panoorin ang kanilang pagtatagpo dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.