Home > Life KBYN: Lalaking hindi na makakita, nagsisilbing mata ang kinakasama ABS-CBN News Posted at Feb 19 2023 12:29 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Hindi na nakakakita ang kanang mata at halos wala na ring makita ang kaliwang mata ng 57 taong gulang na si Tatay Julito Tabucanon. Sa kabila ng kaniyang kondisyon, hindi ito naging hadlang sa buhay. Nagsisilbing mga mata niya ang kinakasamang si Nanay Felisa Valdez. "Pasalamat ako sa aking asawa. Tumulong sa akin. Hindi niya ako pinabayaan," kuwento ni Tabucanon sa KBYN. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa dahil sa kalagayan ni Tabucanon lalo na kapag sila ay nagbebenta ng pandesal at nangangalakal. KBYN: Tindero ng pandesal naglalakad ng higit 3 km para makabenta "Kahit ganiyan ang kalagayan niya, kahit mahirap man, tinutulungan ko siya dahil wala kaming makain," pagbabahagi ni Valdez. Dinala ng KBYN si Tabucanon sa isang espesyalista upang masuri ang kaniyang mga mata. Alamin kung may pag-asa pa nga ba siyang makakita dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, KBYN, Current affairs Read More: Tagalog news KBYN Current affairs Kabayan Kabayan Noli de Castro Noli de Castro PWD Cataract Katarata