Home > Life PANOORIN: Mga lugar sa Pilipinas, ibang bansa na pwede nang puntahan ng mga Pinoy ABS-CBN News Posted at Feb 19 2022 12:51 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA — Ngayong pwede na maglakbay ang mga Pinoy sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa, nagbigay ng payo ang ilang travel experts kung saan pwede pumunta ang mga Pilipino para mag-enjoy matapos ang ilang mahabang lockdown. Ayon kay Aileen Clemente ng Rajah Travel Corp., may 35 na bansa ang pwede puntahan ng mga Pilipino pero hindi kasama dito ang Thailand, Malaysia, Japan, at South Korea. Ayon naman kay Fe Abling Yu, general manager ng Arfel Travel and Tours, hindi kailangan lumabas ng Pilipinas para mag-enjoy dahil ang mga lugar na katulad ng La Union, Pangasinan, Panay Islands, Ilocos, Bohol, Cagayan de Oro at Clark Freeport and Special Economic Zone ay madaming alok para sa mga Pilipino. "Sa Clark pa lang marami nang magandang pwedeng pag-stay-an and it will not cost you so much," aniya. Nagpaalala sila na tingnan muna ang mga kailangang requirements, katulad ng RT-PCR test at vaccine certificate, bago mag-book at pumunta sa travel destination. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, travel, tourism Read More: travel Pilipinas Thailand Malaysia Japan South Korea Union Pangasinan Panay Islands Ilocos Bohol Cagayan de Oro Clark