PatrolPH

Pinakamalaking manok contest sa 'Animal Con' 2023

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2023 08:04 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Itong "Animal Con 2023" ang kauna-unahang animal convention dito sa bansa kung saan iba't ibang klase ng hayop ang tampok ngayong weekend.

Bibida sa SMX Convention Center sa Pasay City ang mga pet animals katulad ng mga aso, pusa, isda pati mga farm animals katulad ng manok at kabayo. Pati na din mga exotic animals kagaya ng ahas, butiki at iba pang reptiles.

Ayon sa organizer, nabuo ang Animal Con dahil bukod sa mga plants o paghahalaman ay dumarami din ang nag-aalaga ng mga hayop sa bahay mula noong nagka-pandemya.

Layon nila dito sa animal convention ay ituro ang responsible pet ownership at isulong ang iba't ibang adbokasiya sa pag-aalaga ng mga hayop.

Gusto rin nilang matulungan ang iba't ibang mga negosyong may kaugnayan sa mga pets sa naapektuhan rin ng pandemya.

Maraming hayop o pets ang makikita dito simula ngayong Biyernes. Marami ring mga aktibidad na inihanda dito.

Isa sa tampok ay ang chicken contest kung saan mananalo ang makakapagdala ng pinakamalaki at pinakamalusog na alagang manok.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasaayos dito ng mga pet owners at veterinarian para siguraduhing ligtas para sa pets at mga pet lovers ang lugar at mga programa.

Alas 10 ng umaga ay bubuksan na nila ito sa publiko. - Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.