PatrolPH

KBYN: 30 naglalakihang aso inaalagaan sa isang dog farm sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2023 02:02 AM

Watch more on iWantTFC

Matatagpuan ang samu't saring naglalakihang aso sa dog farm ni Melvin Cajigal sa Amadeo, Cavite.

Aabot sa 30 bilang ng aso ang kaniyang inaalagaan gaya na lamang ng Alabai, Caucasian Ovcharka, Hungarian Puli, Rottweiler, at Dobermann.

Nagsimula lamang si Cajigal sa pag-aalaga ng mga Pinoy dogs at naengganyo lamang sa pag-aalaga at pagbibreed ng mga aso noong 2016.

"Ang purpose lang noon ay may pangbantay sa bahay namin. Lagi akong nasa work and then ang naiiwan sa house namin is 'yung aking wife kaya bumili ako ng Rottweiler at Dobermann. Noong naresearcher ko na 'yung about breeding at mayroon pa palang mga aso na mas malaki sa kanila, nakipagsapalaran ako na mag-import ng mga Alabai at tsaka mga Caucasian Ovcharka," pagbabahagi niya sa KBYN.

Ang Caucasian Ovcharka niya ang pinakamalaki sa kaniyang mga alaga na aabot sa 6 feet ang tangkad kapag nakatayo.

Dahil nagmula pa sa ibang bansa ang mga aso, may kamahalan rin ang presyo ng mga ito na aabot sa ilang daang libong piso ang halaga.

Alamin kung paano ito inaalagaan ni Cajigal sa kaniyang farm gaya ng paraan ng pagpapakain dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.