Home > Life Guinness World Record: Longest line of candles lit in relay isinagawa sa Silang, Cavite ABS-CBN News Posted at Jan 25 2023 09:09 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Guinness World Record holder ngayon ang bayan ng Silang, Cavite matapos makuha nito ang "longest line of candles lit in relay". Linggo nang ganapin ang aktibidad. Katuwang ng lokal na pamahalaan ng Silang ang Nuestra Senora de Candelaria Parish. Nagsimula ang pagpapailaw sa simbahan hanggang sa munisipyo na aabot ng 4 na kilometro. Mahigit 1,000 ang lumahok sa candle relay. Ang batayan para makuha ang record, dapat hindi mamatay ang sindi ng kandila. Binigyan ng tatlong attempts ang mga kalahok. Sa unang attempt namatay ang sindi pagdating sa number 32 participant. Sa pangalawang attempt, namatay naman ang sinda ng kandila sa 121 na kalahok. Sa pangatlo umabot ang sindi sa 621 na kalahok bago ito mamatay. Nalampasan nito ang record ng India na 366 na kalahok kaya ang Silang ang tinanghal na bagong record holder. This 15-time Guinness World Record holder has a sweet love affair with the Philippines Longest caravan? Guinness debunks UniTeam supporters’ world record claim Isa sa mga nagpahirap sa mga kalahok ang medyo mahangin na panahon, pero nagpapasalamat sila dahil mahirap man, nakuha parin nila ang Guinness. Bago ang aktibidad, kinakabahan ang mga kalahok maging ang mga manonood. Alay ang Guinness World Records na ito sa kanilang patron na si Nuestra Senora De Candelaria na ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing February 3 o ang tinatawag na kandilaria o pagbabasbas ng kandila.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Guinness World Records Silang Cavite longest line of candles lit in relay