Home > Life Mag-amang construction worker, gumagawa ng sculptures mula sa recycled materials ABS-CBN News Posted at Jan 22 2023 12:23 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA — Kamangha-mangha ang mga obrang gawa ng mag-amang construction worker mula Banaybanay, Davao Oriental, na nilililok nila mula sa mga recycled material. Kabilang sa disenyo ng mga eskultura nina Romulo Revilla Sr. at anak na si Romulo "Jhun" Jr. ay agila, pagong, tuta at barko. Sa panayam ng Teleradyo, ikinuwento ng mag-ama na nilililok nila ang mga imahe mula sa bunot ng niyog at driftwood o mga napupulot na kahoy. Sa ngayon, hindi pa binebenta ng mag-ama ang kanilang mga obra pero marami na anilang nagme-message sa kanila para magpahayag ng interest na bilhin ang mga ito. Makikita ang mga likha ng mag-ama sa Facebook page na Davao Pride Driftwood Art. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog news, Teleradyo Read More: PatrolPH Tagalog news rehiyon regions regional news Banaybanay Davao Oriental construction worker art sculptures