Taga-kumpuni ng relo, nakaimbento ng bentilador na hindi kailangan ng kuryente o baterya

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2018 10:32 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Halos 50 taon nang nagkukumpuni ng relo si Ramon Salva na taga-Lucena City.

Taong 1996 nang simulan niya ang paggawa sa imbensyon niyang "salfan," o isang bentilador na hindi kailangan ng kuryente o baterya.

Matapos ang dalawampung taon, natapos na ni Mang Ramon ang kanyang imbensyong bentilador na tila relo ang mekanismo.

Sa tulong ng "Rated K," dinala ni Mang Ramon sa opisina ng Department of Science and Technology (DOST) ang kanyang imbensyon para maipangalan ito sa kanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.