PatrolPH

PANOORIN: Mga estudyante, gumawa ng vending machine para sa bigas

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2018 10:22 PM

Watch more on iWantTFC

Naimbento ng mga estudyante ng San Pedro College of Business Administration ang VGas, o isang vending machine na naglalabas ng bigas.

Ayon sa grupo, na pawang mga mag-aaral ng Industrial Engineering sa SPCBA, naisipan nilang gumawa ng vendo machine na naglalabas ng bigas dahil isa ito sa mga produktong hindi nawawala sa hapag-kainan ng mga Pinoy.

Dagdag pa nila, nais nilang isumite sa Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang imbensyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.