PANOORIN: Chihuahua, pinabilib si Kuya Kim sa tricks na alam

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 09:15 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tampok sa "Kaunting Kaalaman" na segment ni "Kuya Kim" Atienza ang asong chihuahua na may kakaibang talent. 

Ayon kay Atienza, ang mga chihuahua ang pinakamaliit na uri ng aso sa mundo, pero sila rin ang may pinakamalaking utak kumpara sa laki ng katawan.

Napakatalino aniya ng mga chihuahua kaya madali rin silang turuan.

Ipinakita pa ng animal trainer na si June Lazarte ang tricks ng kaniyang chihuahua na si Bullet.

Nariyang lumundag-lundag ang aso sa bisig ni Lazarte at tumayo rin sa dalawang paa lang ang Chihuahua.

Nagbalanse rin sa isang maliit na tuntungan ang aso.

Bukod sa matalino, loyal at malambing din sa kanilang amo ang mga chihuahua.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.