Mariel Rodriguez, balik-Pilipinas kasama ang mga anak

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 11:15 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

"We are home."

Ito ang caption ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram post.

Makalipas ang halos tatlong buwan ay nakauwi na sa Pilipinas si Mariel kasama ang kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriela.

Ito rin ang unang beses na nakita ni Robin Padilla ang kanilang bunso.

Matatandaang sa Amerika nanganak si Mariel at hindi kasama si Robin.

Nagpasalamat din si Mariel sa suporta at pagmamahal ng kanyang asawa.

Labis naman ang kasiyahan ni Robin na umuwi na ang kanyang "Tres Marias."

Umagang Kay Ganda, Disyembre 27, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.