PatrolPH

Apl.de.ap, namahagi ng aginaldo sa mga kababayan sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 12:40 PM

Watch more on iWantTFC

Hindi pinalampas ng Black Eyed Peas member na si apl.de.ap o Allan Pineda ang pagkakataon na mapasaya ang kanyang mga kababayan sa Barangay Sapangbato sa Angeles City, Pampanga.

Kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan, namigay ng pagkain, regalo, at aginaldo ang international Pinoy singer.

Aabot sa 3,000 bata ang nabigyan niya ng pamasko ngayong taon. Ito na ang ika-14 na taon ng pamamahagi ni apl.de.ap sa mga baryo sa Sapangbato bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap.

Umagang Kay Ganda, Disyembre 26, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.